Biyernes, Setyembre 30, 2016

Latigo at Bagyo

Isang maikling tula. :/

Tips: Kapag magbabasa kayo ng tula, subukan niyong basahin para may ma-feel niyo naman.


.
.
.


Ang haplos sa aking dibdib,
Ramdam ang paninikip,
Ng pusong maraming kinikibkib,
Sa pangyayaring maaalis ang iyong pagsilip.

Masakit ang paghaplos,
Ng latigong dumudos-purdos,
Sa damdaming nais hawiin,
Mula sa bagyong gumugulo sa akin.

Napakahapdi,
Ng aking damdamin.
Sa tuwing gusto magtapat, sinasabi ko hindi.
Hindi ko masabi ang aking nais aminin.

Napansin ko kasi,
Kung sasabihin kong muli,
Pagkatapos lumipas ng mga oras na napakaiksi,
Ang bagyo ay babalik at magbibigay ng hapdi sa susunod na sandali.

.
.
.


Wakas

Malupit ka!

Hoy ikaw! Oo ikaw. Lumapit ka nga dito
Dahil may sasabihin akong malupit sa'yo.
Dapat tapusin mo ang pagbabasa nito,
Kung papansinin mo lamang ang kasunod nito.


.
.
.


Naranasan mo maging bata 'di ba? Masaya ba?
Kasi noong bata ka pa, nakita kita na masaya pa.
Makulay ang iyong mundo at hindi ka papayag na may sisirang iba.
Tama, naging masaya ang iyong pagkabata.

Pero ikaw ay nakita muli, noong tumanda ka na.
Halos 'di na nga kita mamukhaan kung hindi ko lang nakita ang iyong mga mata.
Nagpapahiwatig na pagod ka na at gusto mo nang magpahinga
Mula sa pakikipaglaban sa iyong mga kalaban na pinahihirapan ka.

Masaklap! Para kasing inaapi ka na ng buhay,
Oo inaapi ka na! Kinakaladkad ka na nga sa labas ng iyong bahay.
Papunta sa naglalagablab na lugar kung nasaan ang mga basurang plastik at kalansay.
Kaya mo pa ba? Magreklamo ka naman, baka matigil pa ang kanilang pangaaway.

Makalipas ang ilang araw, nakita kita kinakaladkad nanaman sa daan,
At pinapalakad ka nila sa nababagang ulingan.
Nakita ko rin na may nilulunok kang bubog sa iyong lalamunan.
Kaya mo pa ba? Pakiusap, itigil mo na iyan.

Iyong mga bubog, nakalusot na ba sa'yong puso?
Sa gitna ng daan nakita kita sumusuka ka na ng mga dugo,
Saklolo! Saklolo! May tao pong sugatan dito.
Dinudugo ka na nga pero ang paghakbang mo - hindi mo pa rin ito inihihinto.

Malupit ka! Tunay akong saludo sa iyo,
Dahil ikaw ay isang matapang na sundalo,
Dahil ikaw, nilusob mo ang kampon ng mga delubyo.
Nang ika'y nagiisa lamang, sa tulong Niya na laging nandito. Laging nandito.
.
.
.


Wakas

+++++++

A/N: Kamusta naman po iyong gawa? Ok naman ba? By the way, salamat po sa mga nagbasa. (^o^) Hehe