Lunes, Nobyembre 13, 2017

Tula bunga ng nais na paghahanap ng sagot.

Sa pagpikit ng aking mga mata,
Naharap ako sa daan na maraming sanga,
Ngunit bago ako humakbang,
Nais kong hintayin ang sagot ng aking Ama.

Saan Mo po ba ako balak itanim?
At sino po ako maging sa hinaharap--
Ang mga kasagutan ay sa Iyo lamang mahahanap
At sa kung anoman ang paraan, Ikaw lamang ang nakakaalam.

Lagyan mo po sana ng awit at karunungan ang bawat tao,
Mga bagay na na gagampanin ang iuutos Mo,
Lalo na ang tulungang mapanatili ang buhay ng isang tao o nilalang,
Sapagkat nararapat lamang na tulungan ang isang nilalang mula simula hanggang wakas--
Ikaw na nagbigay ng buhay, salamat sa Iyo, o aking Ama na nasa langit.